Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Biyahe ni PNoy sa pagbakas ng pinag-uugatan, nakatawag ng pansin

(GMT+08:00) 2011-09-01 20:35:27       CRI

Kasalukuyang ginagawa ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III ng Pilipinas ang kanyang dalaw na pang-estado sa Tsina. Bukod sa pagiging pangulong Pilipino, mayroon pa siyang isang espesyal na pagkakakilanlan. Ang kanyang nanay at dating Pangulong Cory Aquino, bilang ika-apat na henerasyon ng Chinese-Filipino, ay nakarating sa Nayong Hongjian, sa Lunsod ng Zhangzhou, Lalawigang Fujian, noong 1988, para bakasin ang ugat at magbigay-galang sa ninunong Tsino at nagtanim din siya ng isang puno na nagsisilbing pagkakaibigang Sino-Pilipino. Ayon sa iskedyul, bukod sa biyahe sa Beijing, Shanghai at Xiamen, magsasadya rin si PNoy sa Nayong Hongjian para mabakas ang kanunu-nunuan.

Kaugnay nito, sinabi ni Qu Xing, Puno ng China Institute of International Studies na dahil maraming Pinoy ang may dugong Tsino at komong hangarin ng mga mamamayan ng Tsina't Pilipinas na mapaunlad ang kanilang relasyon at ang gagawing biyahe ni PNoy sa kanyang lupang-tinubuan sa Tsina ay isang magandang signal para sa sambayanan ng dalawang bansa.

Ayon sa mga tagapag-analisa, ang espesyal na pagkakakilanlan ni PNoy ay makakabuti sa pagpapalapit ng mga mamamayan ng dalawang bansa dahil ang pundayon at pinakaesensyal sa pagpapalitan ng dalawang bansa ay ang pagpapakaibigan ng mga mamamayan at ang pundayon at pinakaesensyal sa pagpapalitan ng mga tao naman ay ang pag-uugnayan sa kaibuturan ng puso.

Ayon pa rin sa mga dalubhasa, ang pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan at pagbibigay-galang sa lupuang-tinubuan ng mga ninuno sa Tsina ay ang dalawang pinakatampok sa kasalukuyang biyahe ni PNoy at ito ay nagpapakita ng estratehikong pagsasaalang-alang ng dalawang bansa sa panlahat na kalagayan ng bilateral na relasyon.

Salin: Jade

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>