Baybaying-dagat na dinumihan ng tumagas na langis
Hiniling kahapon ng State Oceanic Administration ng Tsina sa ConocoPhillips China na ihinto ang lahat ng mga aktibidad ng produksyon sa Bohai Bay dahil hindi isinagawa ng kompanyang ito ang mga hakbangin para makontrol ang pagtagas ng langis sa oil field nito sa Bohai Bay at malinis ang karagatang dinumihan.
Noong Hunyo ng taong ito, dalawang beses na naganap ang pagtagas ng langis sa oil field ng ConocoPhilips China sa Bohai Bay, tumagas sa dagat ang di-kukulangin sa 700 bariles ng krudong langis at humantong ito sa malubhang polusyon sa dagat. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin kinukumpuni ng kompanyang ito ang lugar na tinatagasan ng langis at hindi pa rin nilinis ang karagatang nadumihan.