Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malacanang, natuwa sa upgrade ng world economic forum

(GMT+08:00) 2011-09-08 17:47:23       CRI

IKINATUWA ng Malacanang ang pinakahuling ranking na ibinigay ng World Economic Forum Global Competitiveness Report na nagsabing ika-75 ang Pilipinas ngayong taong ito. Nakalayo ang Pilipinas sa ranking na ika-85 noong nakalipas na taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na ito ang pinakamataas na improvement na natamo ng Pilipinas at isa sa pinakamagandang natamo ng alin mang bansa sa nakalipas na taon.

Ayon kay Ginoong Lacierda, noong nakalipas na Hunyo, ang administrasyon ay naging aktibo sa pagpapakita sa daigdig na ang Pilipinas ay handa na sa kalakalan at makikita ang katapatan ng pamahalaan lalo na sa Macroeconomic Environment na kinakitaan ng pag-angat ng may labing-apat na puntos at nakarating na sa ika-54 na pwesto.

Binigyang-diin ni Ginoong Lacierda na ang report na ito ang nagpakita ng mas mahusay na national savings at ang pagsugpo sa inflation at mas mababang interest rate environment at pagpapababa ng debt to GDP radio at ang apat na credit ratings upgrade sa loob lamang ng isang taon.

Gumanda rin umano ang ranking ng Pilipinas sa Competitive Trade Tariffs, Number of Days to Start a Business, Public Trust to Politicians at Transparency in Policy Making, ayon sa World Economic Forum.

SAMANTALA, sinabi ni Local Government Secretary Jesse Robredo na naririnig na niya ang katiwalian sa pulisya kasabay na ng mga pag-abuso nito. Ito ang kanyang reaksyon sa mga balitang inihambing ng mga Americanong diplomata ang mga pulis sa Pilipinas sa mga pulis sa Chicago noong panahon ni Al Capone na gumamit ng torture, nangikil at pumaslang ng mga pinaghihinalaang mga kriminal.

Ito ang reaksyon ni Ginoong Robredo sa lumakas sa Wikileaks na naglalarawan sa kasamaan ng mga pulis sa Pilipinas.

Subalit sinabi niya na ang mga alegasyong ito'y pawang mga bali-balita lamang na maaaring totoo at maaaring hindi.

Ayon sa cable noong 2005 na nagmula sa pangalawang mataas na opisyal ng US Embassy sa Maynila, talamak ang corruption sa may 117,000 tauhan ng pulisya sa Pilipinas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>