Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bagong talagang pinuno ng pulisya, inutusan ni Pangulong Aquino

(GMT+08:00) 2011-09-09 17:21:42       CRI

INUTUSAN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang bagong pinuno ng Philippine National Police na si Director General Nicanor Bartolome na higit na maging masigasig sa pagtugis sa mga kidnapper, carnapper at masasamang elemento ng lipunan.

Ito ang kanyang pahayag sa turn-over ceremonies na isinagawa sa Campo Crame sa Quezon City kaninang umaga. Nag-retiro na si Director General Raul Bacalzo sa pagsapit sa kanyang ika-56 na kaarawan.

Sinabi ni Pangulong Aquino na naniniwala siyang maipagpapatuloy ni General Bartolome na ngayo'y 54 na taong gulang, ang nasimulan ni General Bacalzo na nagpalaganap ng propesyonalismo, integridad at kagitingan sa buong hanay ng pulisya na may 117,000 katao sa buong bansa.

Nanawagan din ang pangulo sa buong lakas ng pulisya na maglakas-loob na dakpin ang kapwa pulis sa oras na lumabag sa batas tulad ng pangingikil ng salapi at pag-abuso sa katungkulan. Kailangan din umanong matuto ang mga pulisy na tumanggi sa suhol upang magpatuloy ang pagtitiwala ng taongbayan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>