Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Reintegration ng mga OFW, nagsisimula na

(GMT+08:00) 2011-09-09 17:22:46       CRI

UMABOT na sa 10,172 manggagawang Filipino ang nagparehistro at nagpahayag ng interes na gumamit ng salaping mula sa P 2 bilyon national reintegration program. Ito ang pahayag ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis Baldoz kasabay ng paniniwalang mas maraming mga OFW ang makikinabang sa programang ito.

Ibinalita ni Overseas Workers Welfare Administration chief Carmelita Dimzon na may 4,515 ang nasanay na sa entrepreneurship development, at ang higit sa isang libo, limang daan ang sinanay ng National Reintegration Center para sa mga OFW sa tulong na rin ng Department of Trade and Industry ng Pilipinas and Philippine Trade Training Center.

Ayon kay Ginang Baldoz, kanilang inendorso na ang may 1,300 loan applications sa Land Bank of thye Philippines at Development Bank of the Philippines. Idinagdag pa niya na 17 nang mga nakatanggap ng pautang na umabot na sa P 12,184,000.00 Sampu sa mga ito ang mga dating manggagawa sa Libya na umuwi matapos sumiklab ang kaguluhan doon.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>