Isiniwalat kamakailan ng Sekretarayat ng China-ASEAN Expo (CAEXPO) na hanggang ngayon, bilang pangunahing bahagi ng ika-8 CAEXPO, natiyak na ang mga kaakit-akit na lunsod ng 11 kalahok na bansa.
Ayon sa salaysay, ang mga kaakit-akit na lunsod para sa ika-8 CAEXPO ay kinabibilangan ng: probinsyang Hainan ng Tsina, Bandar Seri Begawan ng Brunei, probinsyang Ratanakiri ng Kambodya, probinsyang Papua Barat ng Indonesiya, probinsyang Khoueng Champasak ng Laos, estadong Johor ng Malaysiya, Naypyitaw ng Kambodya, Puerto Princesa ng Pilipinas, Singapore City ng Singapore, Muang Khon Kaen ng Thailand at Hoi Yen ng Biyetnam.
Napag-alamang sa pamumuno ng mataas na opsiyal na munisipal, ang mga delegasyon mula sa nasabing mga kaakit-akit na lunsod ay dadalo sa ika-8 CAEXPO. Idaraos rin ang espesyal na promotion at aktibidad na komersyal para mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng iba't ibang bansa at lunsod.