Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kalakaran sa blood money, ilalabas na; bagong target ng tourism secretary para sa taong 2016

(GMT+08:00) 2011-09-12 18:10:54       CRI

SINABI ni Vice President Jejomar C. Binay na tinatapos na ng Technical Working Group ang pag-aaral sa alituntunin ng pamahalaan tunagkol sa "blood money."

Nagpulong na ang Technical Working Group upang pagusapan ang criteria upang malaman kung kailan magbibigay ng "blood money" at mga pamamaraan upang mabatid kung magkano ang ibabayad na blood money.

Ang "blood money" o "diyya" ang kabayaran ayon sa Islamic Law sa pamilya ng mga biktima ng krimen upang mapagaan ang hatol na kamatayan. Si Ginoong Binay ang siyang namumuno sa Technical Working Group at magkikita-kita sa susunod na dalawang linggo upang maisaayos ang rekomendasyong ipadadala kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Si Ginoong Binay ay kasama sa lupon bilang Presidential Adviser on OFW Affairs. Kasama sa komite ang mga kalihim ng Ugnayang Panglabas, Katarungan, at Paggawa at Hanapbuhay bilang mga miyembro. Ang tanggapan ng Undersecretary for Migrant Workers Affairs ang siyang nagsisilbing Secretariat ng Technical Working Group.

UMAASA si Tourism Secretary Ramon Jimenez, Jr. na higit na gaganda ang kalakaran sa daigdig ng turismo sa pagsapit ng 2016.

Sa isang press conference, sinabi ni Ginoong Jimenez na pipilitin niyang higitan ang target na 6.3 milyong turista na itinakda ni Kalihim Alberto Lim na nagbitiw noong isang buwan.

Wala siyang ipinaliwanag sapagkat isinasaayos pa niya ang National Tourism Development Plan na inaasahan niyang sasang-ayunan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

Layunin umano niyang tapusin ang panukala bagama't mayroon siyang nakitang kailangang higpitan at baguhin ang focus. Idinagdag pa ni Kalihim Jimenez na umaasa siyang makararating sa tanggapan ng pangulo ang kanyang mga programa, kahit pa mangangailangan ito ng maliit na budget.

Ipinaliwanag niya na nais niya ang budget na singlaki ng Malaysia subalit nakikita rin niya ang kakayahan ng Pilipino kahit pa maliit ang budget, tulad ng Dragon Boat gold medalists sa paligsahan sa Estados Unidos kamakailan.

Ilalabas na rin ang bagong campaign materials bago mag-Pasko. Pinagsama-sama umano niya ang pinakamagagaling sa advertising industry upang mabuo ang programa. Gagamitin din ng Kagawaran ng Turismo ang social media tulad ng Facebook sapagkat may 22 milyong Filipino ang nasa Facebook.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>