Ipinahayag kahapon ni Premyer Wen Jiabao ng Tsina na nakahanda ang kanyang bansa na pahigpitin, kasama ng Pransya, ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa sa bagong antas.
Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon kay Premyer Wen sa Beijing, sinabi ni Alain Juppe, Ministrong Panlabas ng Pransiya, na lubos na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina at nagpapasalamat siya sa pagkatig at kompiyansa ng panig Tsino sa kabuhayan ng sona ng EURO. Nakahanda aniya ang Pransya, kasama ang Tsina na magkasamang pasulungin ang relasyon sa isa't isa at paunlarin ang relasyon ng Tsina at Europa.
Salin: Ernest