Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Executive Secretary Ochoa, Chinese Ambassador Liu Jianchao: mabunga ang pagdalaw ni Pangulong Aquino sa Tsina

(GMT+08:00) 2011-09-14 17:49:23       CRI

Matagumpay ang naging pagdalaw ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Beijing, Shanghai at Xiamen noong nakalipas na linggo. Ito ang iniulat nina Executive Secretary Paquito Ochoa at Chinese Ambassador to the Philippines Liu Jianchao sa Mining Philippines 2011 sa idinaraos sa Sofitel Manila sa Roxas Blvd., Pasay City.

Ayon kay Ginoong Ochoa, ang minahan ay isa sa mahalagang paksang pinag-usapan ng magkabilang panig. Ilang mga kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng mga kumpanyang Tsino at Pilipino na nagsasabi ng kanilang interes na maglagak ng kapital sa Pilipinas, partikular sa industriya ng mina. Umaasa umano siyang mauuwi ito sa totoong investments.

Idinagdag pa ni Ginoong Ochoa na sa Tsina rin sinabi ni Pangulong Aquino na bukas na ang Pilipinas para sa kalakalan subalit hindi nangangahulugang ang mga naganap noon ang magaganap pa ngayon.

Ang isa sa pinakanais maganap ni Pangulong Aquino, ayon kay Ginoong Ochoa ay mabago ang kaisipan na hindi na kailangan ang shortcuts upang magkaroon ng kalakalan sapagkat ayon sa mga alituntunin at mga kalakalaran at pagsunod sa mga batas ng Pilipinas higit na matatamo ang mga inaasahang bunga ng kalakalan.

Maliwanag pa rin sana sa lahat ang tinatahak na daan ng administrasyon, ang pagiging "transparent" at patas upang matamo ang investor confidence. Pag higit na tumibay ang pagtitiwala ng mga mangangalakal, higit na dadagsa ang mga ito uypang magdala ng mas maraming kalakal at magkakaroon ng mas maraming hanapbuhay. At sa oras na magkaroon ng maraming hanapbuhay, higit na uunlad ang bansa, dagdag pa ni Ginoong Ochoa.

Sa panig naman ni Ambassador Liu Jianchao, naging maganda ang pagsusuri nina Pangulong Hu Jintao ng Tsina at Pangulong Aquino ng Pilipinas sa relasyon ng dalawang bansa sa nakalipas na tatlumpu't anim (36) na taon.

Ayon sa Chinese ambassador, ang magandang relasyon ng dalawang bansa'y nakasalalay sa "mutual respect, equality and mutual benefit." Ito ang dahilan kaya't pinag-iibayo ng dalawang bansa ang kalakalan upang higit na gumanda at lumago ang relasyon sa paglipas ng mga taon.

Upang maiwasan ang masamang epekto ng krisis sa pandaigdigang ekonomiya, sinabi ni Ambassador Liu na nilalaman ng kasunduan ng dalawang bansa na pag-iibayuhin ang kalakal mula 2012 hanggang 2016. Magugunitang nilagdaan ito ng mga opisyal ng dalawang bansa at sinaksihan nina Pangulong Aquino at Pangulong Hu. Nakatuon ang pansin ng dalawang bansa sa larangan ng agriculture and fisheries, infrastructure development, mining, energy, information and communication technology, processing and manufacturing, tourism, engineering services and forestry.

Magpapadala rin ang Ministry of Commerce ng Tsina ng Investment Adviser at makikipagtulungan sa mga bumubuo ng China Desk sa Board of Investments ng Pilipinas.

Nangako rin si Ambassador Liu na magpapatuloy ang pagtulong ng Tsina sa larangan ng pananalapi sa mga proyektong mahalaga. Naniniwala rin ang ambassador na magkakatotoo ang pangakong magkakaroon ng dalawang milyong turistang dadalaw sa Pilipinas pagsapit ng taong 2016.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>