Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, maglalakbay patungong Estados Unidos

(GMT+08:00) 2011-09-15 17:31:40       CRI

MATAPOS ang matagumpay na paglalakbay sa Tsina noong kamakalawang linggo, magtutungo naman sa Estados Unidos si Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III mula sa ika-18 hanggang ika-23 ng Setyembre, partikular sa New York at sa Washington, D. C.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, naglalayon ang pagdalaw na itong higit na mapayabong ang strategic profile ng Pilipinas sa pagpapakita ng katapatan nito sa good governance at anti-corruption agenda. Layunin din ng pagdalaw na ipakita ang iba pang ginagawa ng pamahalaan. Makakausap din ni Pangulong Aquino ang mga negosyanteng posibleng maglagak ng kapital sa Pilipinas at makapagbalita na rin sa mga Pilipinong nasa America ng mga nagawa ng administrasyon sa nakalipas na higit sa isang taon.

Inanyayahan siya ni Pangulong Barack Obama at Brazilian President Dilma Rousseff upang ilunsad ang Open Government Partnership sa New York sa Setyembre 20. Ang OGP, ayon sa Department of Foreign Affairs ay isang multilateral initiative upang isulong ang transparency, citizens empowerment, labanan ang katiwalian at gumamit ng makabagong teknolohiya upang mapatibay ang pamamahala.

Sina Pangulong Obama at Rousseff ang magkasama sa pagtataguyod ng palatuntunang ito. Ang Pilipinas ang isa sa walong bansa at isa sa dalawang bansa mula sa Asia na kasama ng steering committee. Ang ibang mga bansa ay ang US, Brazil, United Kingdom, Indonesia, Mexico, Norway, at South Africa.

Gagawaran din siya ng Doctor of Laws, honoris causa ng Fordham University. Ito rin ang nagparangal sa kanyang yumaong ina noong dumalaw sa America noong 1986.

Samantalang nasa New York, makakausap ni Pangulong Aquino ang mga high-level business executives na kabilang sa US-ASEAN Business Council, US Chamber of Commerce at ang Philippine-American Chamber of Commerce.

Inanyayahan din siya ni World Bank President Robert B. Zoellick na magsalita sa IMF-World Bank Annual Meetings sa Washington, D. C.

Nakatuon ang kanyang lecture sa temang citizen empowerment, good governance at fighting corruption as agents of poverty reduction sa harap ng finance ministers, central bankers at country representatives.

Makakasama rin ng Pangulong Aquino ang Filipino communities sa Washington, D.C., Maryland and Virginia. Ito ang unang pagkakataon na makakaharap niya ang mga Filipino sa tatlong lugar na umaabot sa may 110,000 katao.

SA LARANGAN NG KALAKAL, darating ang mga tinaguriang global franchising leaders at mga nangungunang kumpanya sa Maynila para sa Franchise Asia 2011 mula sa Lunes, ika-labingsiyam hanggang sa darating na Linggo, ika-dalawampu't lima ng Setyembre. Higit sa 120 foreign delegates mula sa may 30 bansa ang darating upang maka-usap ang mga mangangalakal na Pilipino. Katatampukan din ito ng may 100 international brands na gustong magnegosyo sa Pilipinas.

Ilan sa mga international brands ay ang Subway International, Buffalo Wild Wings, LA-Z-BOY, Q-Dees, Kindergolf at iba pa. Nakikita umano ng mga banyagang ito ang kahagalahan ng Pilipinas sapagkat maganda ang lokasyon nito at marami ang nakapagsasalita ng Ingles.

Ito ang nabatid mula kay World Franchise Council Chairman Samie Lim, na isang dating Trade and Industry undersecretary. Gagawin ang isang linggong pagpupulong sa SMX Center ng SM Mall of Asia complex sa Pasay City.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>