Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Araw ng mga magdaragat, idaraos

(GMT+08:00) 2011-09-16 16:49:57       CRI

Isasagawa ang ika-16 na National Seafarers' Day sa darating na Linggo, ika-25 ng Setyembre na may temang "Marinong Pilipino: Lakas ng Pagkakaisa!" Ang tema ang naglalaman ng nagkakaisang layunin at paniniwala ng mga magdaragat ng bansa.

May photo exhibit sa PhilAm Lobby mula a-veinte hangang a veinte dos ng Setyembre samantalang magkakaroon din ng mga patimpalak para sa mga anak ng mga magdaragat. Kalahok ang mga maritime schools mula sa National Capital Region, Western Visayas, Central Luzon at Calabarzon, at Bicol.

Isa sa pinaka-madamdaming okasyon sa pagdiriwang ay ang pag-aalay ng mga bulaklak sa karagatan sa ngalan ng mga nasawing magdaragat sa iba't ibang bahagi ng daigdig. Aabot sa may 400,000 mga Pilipino ang kabilang sa mga magdaragat na naglilingkod sa iba't ibang kumpanyang banyaga sa buong daigdig. Ang Apostoleship of the Sea at Scalabrinians ang namumuno sa pagdiriwang na ito.

PATULOY na umuunlad ang uri ng hanapbuhay ngayong taong ito ayon sa survey ng National Statistics Office sa kanilang katatapos na July 2011 Labor Force Survey. Ayon sa NSO, ang bilang ng mga Pilipinong may hanapbuhay ay tinatayang umabot na sa 37.1 milyon at mas mataas ng 2.4% kaysa sa 36.2 million noong July 2010. Umabot sa 870,000 ang mga bagong hanapbuhay na natamo kung ihahambing sa 729,000 noong nakalipas na taon.

Ayon kay Socio-Economic Planning Secretary Cayetano W. Paderanga, Jr. na ang patuloy na pagganda ng uri ng hanapbuhay ay base sa bilang ng mga manggagawa na may sahod na tumaas ng may 7.9 % at umabot sa 20.9 million noong nakalipas na Hulyo.

Ayon kay Paderanga ang mga Pinoy na may hanapbuhay at maayos na trabaho ay umabot sa 56.3 %.

MAGTUTULUNGAN ang National Statistics Office at Department of Energy upang mabatid ang para-paraang ginagawa ng mga tahanan sa paggamit ng enerhiya. Ito rin ang magiging basehan ng mga programang ipatutupad ng Department of Energy.

Huling ginawa ang survey noong 2004. Ang Household Energy Consumption Survey ay gagawin upang matamo ang mga impormasyon tungkol sa pagbabago ng energy consumption patterns ng mga tahanang Pinoy at ang socio-economic conditions na nakaapekto sa paggamit ng enerhiya. Layunin ding matamo ang fuel/energy mix ng mga tahanan sa paggamit ng enerhiya sa bawat araw at malaman ang mga kasangkapang gumagamit ng kruyente at maitaya ang kakailanganing kuryente sa mga susunod na panahon.

Nais ding malaman ng pamahalaan kung anu-anong energy conservation measures ang ginagawa ng iba't ibang tahanan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>