Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, nagpasalamat sa interes ng mga investor sa industriya ng niyog

(GMT+08:00) 2011-09-20 18:24:05       CRI

MULA sa New York, nagpaabot ng kanyang kasiyahan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa interes ng ilang mga investor na gumugol ng salapi sa industriya ng niyog.

Ayon kay Presidential Communications and Strategic Planning Office Secretary Ramon Carandang, natuwa si Pangulong Aquino matapos makausap ng isang gumagawa ng soft drinks at isang kumpanyang Pilipino at isa pang kumpanyang Amerikano ang nagsabing interesado sila sa natural at medicinal properties ng tubig niyog na kanilang maipagbibili sa buong daigdig.

Sa magkakahiwalay na pakikipag-usap kay Pangulong Aquino sa Omni Bershire Hotel sa New York, ang Pepsi Corporation, ang American beverage company na Vita Coco at ang Fiesta Coco Equity ang nagsabing interesado silang magnegosyo sa Pilipinas.

Ang tatlong mga kumpanyang ito ang nakababatid ng tumataas na pangangailangan paa sa tubig niyog sa America at sa ibang mga bansa bilang alternatibo sa carbonated drinks. Nais umano ng mga Americanong makainom ng mga inuming magpapalusog sa kanilang mga katawan. Kahit umano alang binanggit na halagang gugugulin ang PepsoCo, seryoso ang kumpanyang magpalawak ng coconut harvesting operations sa Pilipinas dahilan sa malaking potensyal nito sa pamilihan.

NAKATAKDANG makausap ng mga kasapi ng economic management team ni Pangulong Aquino ang tatlong international credit rating agencies sa America.

Ito ang sinabi ni Kalihim Ramon Carandang sa mga mamamahayag na kasama sa pagdalaw ni Pangulong Aquino sa Estados Unidos. Maiiwan umano ang economic team upang makausap ang tatlong malalaking rating firms.

Ito ang binanggit ni Ginoong Carandang sa kanyang pagharap sa media sa pagtatapos ng okasyon sa Fordham University. Ginawaran si Pangulong Aquino ng honorary doctoral degree on laws.

Nais umano ng mga kabilang sa economic team na malaman ang kailangang gawin upang gumanda ang tayo ng Pilipinas sa international ratings.

Ang mga makakausap ng economic managers ng Pilipinas at ang Standard and Poor's, Moody's Investors' Service at ang Fitch Ratings na nagbigay na mabababang ratings sa Pilipinas.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>