|
||||||||
|
||
Dumalo kahapon sa New York si Ministrong Panlabas Yang Jiechi ng Tsina sa Pagtatagpo ng mga Ministrong Panlabas ng BRICS (Brazil, Rusya, India at Tsina), at magkahiwalay siyang nakipagtagpo sa kaniyang mga counterpart na si Sergey Lavrov ng Rusya at Olugbenga Ashiru ng Nigeria.
Sa kanyang pagdalo sa naturang pagtatagpo, ipinahayag ni Yang na sapul nang pumasok sa taong ito, natamo ng kooperasyon ng BRICS ang mahalagang progreso at mainam ang prospek ng kanilang kooperasyon.
Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng iba't ibang kalahok na panig na ibayo pang palakasin ang kanilang pragmatikong kooperasyon ng pagkokoordinahan sa mga suliraning pandaigdig, at nagpalitan din sila ng kuru-kuro hinggil sa mga isyung gaya ng Syria, Libya, sagupaan ng Palestina at Israel, reporma sa pandaigdigang sistemang pinansiyal, pagbabago ng klima, sustenableng pag-unlad at paglaban sa terorismo.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |