Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdiriwang ng embahada ng Tsina gagawin ngayon

(GMT+08:00) 2011-09-26 17:29:00       CRI

ISANG bangkete ang gagawin mula ika-anim at kalahati ng gabi sa Rizal Ballroom ng Makati Shangri-La Hotel para sa pagdiriwang ng ika-62 Anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China, ngayong Lunes, ika-26 ng Setyembre. Sa halip na isabay sa unang araw ng Oktubre, kinagawian na ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas na gawin ito ilang araw bago sumapit ang talagang araw ng pagdiriwang.

Ito ang nabatid mula kay Ethan Y. Sun, Deputy Chief ng Political Section at Tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas.

Inaasahang dadalo sa pagtitipon sina Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay sapagkat nasa Japan sa isang opisyal na pagdalaw si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.

MULA sa Tokyo, Japan – Idinalangin ng mga kabataang anak ng mga Pilipino at mga Japones ang magandang kalusugan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III upang matiyak na matutupad ang kanyang pangarap na makapagdala ng mas mabuting kinabukasan para sa mga mamamayan at sa buong bansa.

Ang panalanging ito'y bahagi ng mga nilalaman ng tinaguriang "Box of Tanzaku" na nangangahulugan ng "wishes and dreams" mna kanilang ibinigay kay Pangulong Aquino sa pagdalo sa isang pagtitipon ng mga Pinoy sa Japan sa Japan Education Center sa gitna ng Tokyo.

Dumating sa Tokyo si Pangulong Aquino kahapon upang simulan ang kanyang apat na araw na opisyal na pagdalaw. Personal niyang tinanggap ang mga ala-ala mula sa tatlong kabataang lalaki at tatlong kabataang babae. Nagkaroon din ng cultural presentation para sa pangulo at kanyang delegasyon. May limang daang Filipino ang dumalo sa pagtitipon.

Ayon sa Philippine Embassy, mayroong 250,000 mga Pinoy sa Japan at may 30,614 ang nasa Tokyo.

NANAWAGAN naman si Senador Edgardo J. Angara na ikalaw ang pinag-isang Science and Technology-driven disaster monitoring system samantalang ang bagyong si "Pedring" na kilala sa international name na "Nesat" ay inaasahang tatama sa Isabela-Aurora area bukas.

Si Angara ang chairman ng Senate Committee on Science and Technology. Ayon sa mambabatas, ayon sa PAGASA, aabot sa isang daa't dalawamput kilometro bawat oras ang dalang hangin ni Pedring kaya't itinaas ang lahat ng storm signal sa buong Luzon.

May kakayahan umano ang PAGASA na alamin ang lakas ng hangin ng mga bagyo at mapag-aralan kung gaano karaming ulan ang dadalhin nito. Kailangan umanong paghandaan ito upang makaligtas ang mga mamamayan sa anumang kapahamakan.

Binanggit niya ang pag-aaral ng United Nations Asia and Pacific Training Center for Information and Communication Technology for Development at nagsabing mahalaga ang pagtitipon ng disaster-related data sa pambansang larangan. Mahalaga rin ang sinasabing inter-operability ng ICT systems, upang ang mga datos na makukuha ng iba't ibang ahensya ay magamit ng sabay-sabay para sa iba't ibang dahilan.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>