Sa Chengdu, Tsina, ipinahayag dito kahapon ni Pascal Lamy, Director-General ng World Trade Organization o WTO, na maisasakatuparan nito ang tungkuling pigilan ang pagbangon ng trade protectionism.
Sinabi ni Lamy na ang ginagawang hakbangin ng Tsina, gaya ng pagpapalawak ng pangangailangang panloob, ay tamang tama para sa kabuhayang Tsino at pandaigdig. Nanawagan pa siya sa mga bansang Europeo at Estados Unidos na gamitin ang aktuwal na hakbangin para matulungan ang pagiging balanse ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Ernest