Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-8 China-ASEAN Expo, binuksan

(GMT+08:00) 2011-10-21 16:07:12       CRI
Ang taong ito ay Taon ng pangkaibigang pagpapalitan ng Tsina at ASEAN, taon ng ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyon ng diyalogo ng Tsina at ASEAN, at unang anibersaryo ng konstruksyon ng Malayang Zonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o CAFTA. Sa ilalim ng naturang background, ngayong araw, sa Nanning, kabisera ng rehiyong autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, binuksan ang ika-8 China ASEAN Expo o CAExpo at Summit ng Negosyo at Pamumuhunan.

Si Wen Jiabao, premiyer ng Tsina, ay lumahok sa seremoniya ng pagbubukas at bumigkas ng talumpati. Nitong 20 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyon ng diyalogo, magkasamang binuo ng Tsina at ASEAN ang CAFTA na naging isang malayang zonang pangkalakalan na sumaklaw ng pinakamalaking populasyon sa daigdig. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Wen na:

"Nitong 20 taong nakalipas, ang relasyon ng dalawang panig ay nakaranas ng isang pangkasaysayang pagbabago ng pagiging estratehikong partnership mula komprehensibong katuwang sa diyalogo, at unti-unting nabuo ang balangkas kung saan ang Tsina at ASEAN ay nagkakaroon ng kooperasyon sa lahat ng industriya, malawak na larangan at maraming antas. Nananalig akong batay sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay, pagtitiwalaan, paghahanap ng magkatulad na punto samantalang isa-isang-tabi ang pagkakaiba, tiyak na panaigan ng Tsina at ASEAN ang lahat ng kahirapan, at pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng kooperasyon ng dalawang panig, para isakatuparan ang magkasamang kasaganaan. "

Bukod dito, ipinahayag rin ni Wen na:

"Kapuwa Tsina at ASEAN ay pinakasiglang ekonomy, at kapuwa ang nasa masusing panahon ng pag-unlad at pagbabago. Dapat samantalahin ang pagkakataong pangkasaysayan, pasulungin ang pangmatagalan, matatag at mabilis na pag-unlad ng kabuhayan, at dapat lalo pang palakasin ang panrehiyong kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. "

Lumahok rin sa seremoniya ng pagbubukas ng ika-8 CAExpo si Najib Abdul Razak, Punong Minsitro ng Malaysia, host country ng ika-8 CAExpo. Sa kanyang talumpati, sinabi niyang:

"Napakahalaga ng ekspo sa taong ito. Dahil ang taong ito ay ika-20 anibersaryo ng opisyal na pagkakatatag ng relasyon ng diyalogo ng Tsina at ASEAN. Sa pagkatig ng ideya ng magkasamang pag-unlad, mabilis ang pag-unlad ng bilateral na relasyon. Kaya, sa CAExpo ng taong ito, dapat subaybayan ang mga hamong pangkabuhayan na kinakaharap ng Europa at E.U. sa kasalukuyan at ang posibeng epekto nito sa Asya. Umaasa akong palalakasin ng dalawang panig ang kooperasyon para patuloy na pasulungin ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation. "

Salin:Sarah

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>