Sa panahon ng ika-8 China ASEAN Expo sa Nanning, Tsina, idinaos kahapon ng ilang bansang ASEAN ang mga investment promotion forum.
Kabilang dito, kapwa ipinahayag ng Laos at Myanmar ang pagtanggap sa pagdaragdag ng mga bahay-kalakal na Tsino ng pamumuhunan sa kani-kanilang bansa.
Ipinahayag naman ng Biyetnam na aktibong pasusulungin nito, kasama ng panig Tsino, ang konstruksyon ng cross-border economic cooperation zone ng dalawang bansa.
Iminungkahi naman ng Indonesya na itatag ang tanggapan nito sa Nanning para ibayo pang mapasulong ang lokal na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan nila ng Tsina.
Salin: Liu Kai