Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Magkakalabang paksyon ng MILF, nagkasagupa

(GMT+08:00) 2011-11-02 17:41:35       CRI

MULA sa Lungsod ng Cotabato, nagkasagupa ang magkalabang paksyon ng Moro Islamic Liberation Front sa loob ng tatlong oras sa Mamasapano sa Maguindanao kahapon at 'di pa mabatid ang bilang ng mga nasawi o nasugatan sa magkabilang panig.

Ayon kay Colonel Mayoralgo dela Cruz, pinuno ng First Mechanized Infantry Brigade, ang sagupaan ay nagsimula mga ikatlo ng hapon sa pag-itan nina MILF field commander Adan at ng breakaway group ni Ameril Umra Kato.

Tuloy pa rin umano ang pagsisiyasat, ayon kay Colonel dela Cruz.

Ayon sa grupo ni Adan, hinahabol nila ang mga pinaghihinalaang sangkot sa Maguindanao massacre, na karamiha'y mga militiamen na kabilang sa Civilian Volunteers Organization na maganap ang sagupaan.

Subalit ayon kay Abu Misri Mama, taga-pagsalita ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement na pinamumunuan ni Umra Kato, naganap ang sagupaan ng isang nagngangalang Banarin Ampatuan, apo ni Andal Ampatuan Sr., isang suspect sa 2009 Maguindanao massacre na suportado ni Adan, ang nagtangkang kumuha sa isang lupaing binili umano ng mga Ampatuan noong sila'y nasa poder pa.

Ayon kay Mama, ang BIFM ay dumating upang ipagtanggol ang interes ng tunay na may-ari ng lupain na nagsabing pwersahang sinamsam ang kanilang ari-arian ng mga Ampatuan. Tumanggi naman ang liderato ng MILF sa pagkakasangkot ng grupo ni Adan, ang 106th Base Command fighters sa panig ng mga Ampatuan.

Marapat umanong magsiyasat upang maiwasan ang mga sapantaha tungkol sa insidente. Ito naman ang pahayag ni MILF political affairs vice chairman Ghadzali Jaafar.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>