|
||||||||
|
||
Nilagdaan kamakailan ng mga ministro ng agrikultura ng mga bansang BRICS na kinabibilangan ng Tsina, Rusya, India, Brazil, at Timog Aprika ang magkakasamang deklarasyon para pahigpitin ang kooperasyon sa kaligtasan ng pagkaing-butil sa buong daigdig.
Ang deklarasyong ito ay nilagdaan sa ika-2 pulong ng mga Ministro ng Agrikultura ng BRICS na idinaos sa Chengdu, Tsina.
Sinabi ni Tina Joemat-Pettersson, Ministro ng Agrikultura ng Timog Aprika na, dapat ay bigyan ng malaking pansin ang negatibong epekto ng pagbabago ng klima sa industriya ng agrikultura at saka pasalamatan ang pagbabahaginan ng mga bansang BRICS, lalo na ng Tsina, ang bunga sa sulong na teknolohiya, instrumento, siyensiya, at impormasyon sa industriya ng agrikultura.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |