Sa kanyang talumpati kahapon sa G-20 Summit, na idinaos sa Cannes, Pransya, tinukoy ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina na sa kasalukuyang kalagayan, dapat patuloy at mahigpit na magtulungan ang mga miyembro ng G20 para mapasulong ang paglaki ng kabuhayan at mapahigpit ang katatagan ng pinansyo ng daigdig.
Iminungkahi niyang dapat maigarantiya ang pag-unlad, kasabay ng pangangalaga sa balanseng ekonomiya. Dapat din aniyang matamo ang win-win outcome sa pamamagitan ng kooperasyon; mapabuti ang pamamahala sa proseso ng reporma; matamo ang progreso sa pamamagitan ng inobasyon; at magkasamang mapasulong ang kasaganaan sa pag-unlad.
Binigyan-diin din ni Hu na kasabay ng mga nabanggit, kailangang patuloy na mapasulong ang reporma sa pandaigdigang sistema ng pananalapi, pandaigdig na sistema ng kalakal, mekanismo ng pagtatakda ng presyo ng paninda, at igarantiya ang pangangailangan ng mga umuunlad na bansa sa reporma.