Bago idaos ang pulong ng gabinete, isiniwalat ngayong araw ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand, na dahil nananatiling grabe pa rin ang kalagayan ng baha sa loob ng bansa, at maraming problema ang kailangang pagtutunan ng pansin, ipinagkatiwala niya kay Kittiratt Na Ranong, Pangalawang Punong Ministro at Ministro ng Komersyo, ang paglahok sa ika-19 na di-pormal na pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC na idaraos sa Hawaii ng Estados Unidos mula ika-12 hanggang ika-15 ng buwang ito.
Salin: Vera