|
||||||||
|
||
Idaraos sa ika-12 at ika-13 ng buwang ito sa Hawaii, Estados Unidos o E.U. ang di-pormal na summit ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC. Bilang pinakamalaking umuunlad na bansa at maunlad na bansa, makakaakit ang kilos sa summit ng Tsina at E.U. ng pansin ng buong daigdig. Magkakahiwalay na ipinahayag ng mga dalubhasa ng Tsina at E.U. na ang kooperasyon ng dalawang bansa ay gaganap ng mahalagang papel sa pangangalaga sa kasaganaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Ang APEC ay organisasyong pangkabuhayan na pinakamataas ang antas, pinakaapektado at pinaka kompleto ang organo. 21 miyembro ang APEC na binuo ng mga maunlad at umuunlad na bansa, at ilan sa kanila'y tradisyonal na malakas na bansang pangkabuhayan, at ilan ay mga emerging economy.
Hinggil sa kooperasyon ng Tsina at E.U., ipinalalagay ni Monica Whaley, Tagapangulo ng Lupong Tagapag-organisa ng APEC na:
"Ang Tsina, E.U. at Hapon ay 3 pinakamalaking ekonomya ng APEC, at napakahalaga ng kanilang koordinasyon para sa APEC, ang APEC ay naitatag para pasulungin ang pagpapalitan ng mga maunlad at umuunlad na bansa."
Ayon pa kay Whaley, malaki pa ang espasyo ng pagtutulungan ng Tsina at E.U.:
"Sa larangan ng green economy, malaki ang komong interes ng Tsina at E.U., at makikinabang ang Tsina at E.U. mula sa integrasyong pangkabuhayan ng rehiyon at pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan sa Asya-Pasipiko sa hinaharap."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |