Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino at Obama, magkakausap sa Bali, Indonesia

(GMT+08:00) 2011-11-10 18:24:02       CRI

MAGKAKAROON ng pagkakataon si Pangulong Benigno Simeon Aquino III na makausap si Pangulong Barack Obama sa pamamagitan ng isang bilateral meeting sa 19th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Meetings sa Bali, Indonesia sa ika-18 ng Nobyembre sa kahilingan umano ni Pangulong Obama.

Ayon kay Kalihim ng Ugnayang Panglabas Albert F. Del Rosario, ang pagpupulong ay kasunod ng pagdalaw ni US Secretary of State Hillary Rodham Clinton upang ipagdiwang ang ika-60 Anibersaryo ng paglagda ng dalawang bansa sa Mutual Defense Treaty.

Ang mga pagpupulong umano ay nagpapakita ng maganda at mainit na relasyon at pakikipag-alyansa.

Ang Mutual Defense Treaty na nilagdaan noong ika-30 ng Agosto, 1951 at nagpatatag sa kasunduan ng Pilipinas at Amerika na tutulong sa oras na magkaroon ng pagsalakay mula sa ibang bansa.

Pag-uusapan nina Pangulong Aquino at Obama ang maritime security, non-proliferation, disaster mitigation, food security, education at ipa pang mahalagang paksa. Ito ang ikalawang paghaharap ng dalawang pinuno ng bansa. Naganap ang unang pagpupulong noong 2nd ASEAN-US Leaders Meeting sa Nueba York noong Seytembre 2010.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>