|
||||||||
|
||
Ang tema ng naturang pulong ng APEC ay "Panrehiyong kabuhayan na may mahigpit na pag-uugnayan". Sinabi ni Zhang Yesui, embahador ng Tsina sa E.U., na bukod sa paglalahok sa di-opisyal na pulong ng APEC, si pangulong Hu ay lalahok rin sa isang serye ng kinauukulang akdibidad. Sa panahon ng paglahok sa naturang mga pulong, magpapahayag si Hu ng palagay hinggil sa kalagayan ng kabuhayan ng Asya-Pasipiko at buong daigdig, at ilalahad ang paninidigang Tsino hinggil sa mga isyung tulad ng pagsasa-ayos ng kabuhayang pandaigdig, pagpapaunlad ng kabuhayan ng Asya-Pasipiko, sistema ng multilateral na kalakalan at iba pa. At idaraos rin ang bilateral na pag-tatagpo ni pangulong Hu at mga lider ng kinauukulang kasapi ng APEC.
Sinabi ni Zhang na, ang pagdaraos ng pulong na ito ay maydalawang mahalagang banckground:
"Una, mabagal ang pagpapanumbalik at paglaki ng kabuhayang pandaigdig, dinaragdagan ang panganib sa pandaigdigang pamilihang pinansiyal. Ikalawa, ang Asya-Pasipiko ay pinakamasiglang rehiyon sa pandaigdigang kabuhayan, ngunit, kahaharapin nito ang maraming kahirapan."
Sinabi ni Zhang na, ang matagumpay na pagdaraos ng pulong ng APEC ay napakahalaga para sa panrehiyong kooperasyon at recovery ng kabuhayan ng buong daigdig. Sinabi niyang:
"Sa pulong na ito, tatalakayin ng mga lider ang mga mahalagang isyung kinabibilangan ng: pag-unlad ng panrehiyong kabuhayan, integrasyon ng panrehiyong kabuhayan, malayang kalakalan at pamumuhunan, kaligtasan ng enerhiya at iba pa. Ang naturang mga tema ay hindi lamang mahalaga para sa panrehiyong kabuhayan, ito ay mahalaga rin para sa pagpapasulong ng recovery at paglaki ng kabuhayang pandaigdig. "
Ipinahayag rin ni Zhang na umaasang magkakasamang pasusulungin ng mga kasapi ng APEC ang matagumpay na pagdaraos ng naturang pulong, at nakahanda ang Tsina na aktibong magsikap para rito. Nakahanda ang Tsina na makipagkooperasyon sa komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng APEC, sa pamamagitan ng maraming tsanel na tulad ng multilateral, bilateral at panrehiyong kooperasyon at magbigay ng positibong ambag para sa recovery ng pandaigdigang kabuhayan sa lalo madaling panahon.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |