Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hu Jintao, nakipagtagpo sa sirkulong komersyal ng E.U.

(GMT+08:00) 2011-11-11 15:24:41       CRI

Kinatagpo kahapon ng hapon sa Hawaii ni Pangulong Hu Jintao ng Tsina ang mga kinatawan mula sa sirkulong komersyal ng Estados Unidos (E.U.). Binigyan-diin ni Hu na ang esensiya ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at E.U. ay double win at ang pagpapalalim ng mga ito ay hindi lamang may kinalaman sa kapakanan at interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi sa pag-ahon din at pag-unlad ng kabuhayan ng daigdig.

Tinukoy ni Hu na sa kasalukuyan, kinakaharap ng relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at E.U. ang hamon pati ang pagkakataon. Kung paluluwagin aniya ng panig Amerikano ang restriksyon ng pagluluwas sa hi-tek sa Tsina, hindi lamang mapapahupa ang di-pagkabalanse ng kalakalang Sino-Amerikano, kundi ang kahirapan din sa kabuhayan at hanap-buhay ng E.U..

Nanawagan din si Hu sa mga kompanya ng Tsina at E.U. na igiit ang pantay-pantay na pagsasanggunian, sundan ang alituntunin ng pamilihan at regulasyon ng WTO, tumpak na hawakan ang alitang pangkabuhaya't pangkalakalan, huwag isapulitika ang mga isyu at huwag magsagawa ng proteksyonismo.

Ipinahayag naman ng mga kinatawan na laging kinakatigan ng sirkulong komersyal ng E.U. ang pagpapaunlad ng relasyong Sino-Amerikano at nakahanda silang ibayo pang palawakin ang pamumuhunan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa Tsina.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>