Sa panahon ng kanyang paglahok sa ika-19 na di-pormal na pulong ng mga lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Honolulu, Hawaii, nakipagtagpo kahapon si Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa mga iba pang kalahok na kinabibilangan nina Lien Chan, tagapangulong pandangal ng Kuomintang, Donald Tsang, punong ehekutibo ng Esepsyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ng Tsina at Ollanta Humala, Pangulo ng Peru.
Sa pagtatagpo nina Hu Jintao at Lien Chan, kapwa nila ipinahayag na dapat igiit ang 1992 Consensus ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits at patuloy na pasulungin ang mapayapang pag-unlad ng dalawang panig.
Sa pagtatagpo naman nina Hu Jintao at Donald Tsang, tinalakay nila ang mga hakbangin ng paggarantiya sa katatagan ng kabuhayan at pinansyo ng Hong Kong.
Sa pagtatagpo naman nina Hu Jintao at Ollanta Humala, buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang lider na ibayo pang pasulungin ang estratehikong partnership ng Tsina at Peru at palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa loob ng balangkas ng APEC.