|
||||||||
|
||
Nagtalumpati si Hu Jintao sa APEC CEO Summit
Ipinahayag kahapon ni Hu Jintao, Pangulong Tsino na kalahok sa di-pormal na Pulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Hawaii, na pasusulungin ng Tsina ang pagbubukas sa labas sa mas malaking saklaw, mas malawak na larangan at mas mataas na antas, at isasagawa ang mas positibong estratehiya ng pagbubukas.
Sa kanyang talumpati nang araw ring iyon sa APEC CEO Summit, tinukoy ng pangulong Tsino na sa kasalukuyan, dapat igiit ng mga kasapi ng APEC ang pagpapanatili ng paglaki at pagpapasulong ng katatagan para mapasigla ang pag-unlad ng kabuhayan ng rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigdig.
Para rito, ipinahayag niya na dapat kumpletuhin ang mekanismo ng pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig at itatag ang mas pantay at balanseng global partnership, at nanawagan din siya sa iba't ibang panig na pangalagaan ang sistema ng kalakalang multilateral at palalimin ang integrasyon ng kabuhayang panrehiyon.
Idinagdag pa niya na ang pag-unlad ng Tsina ay mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayan ng rehiyong Asya-Pasipiko at daigdig. Nakahanda aniya ang panig Tsino na palakasin ang pakikipagtulungan sa iba't ibang panig para mapasigla ang pag-unlad ng kabuhayan sa rehiyon at buong daigdig.
Nang araw ring iyon, magkahiwalay na nakipagtagpo si Hu Jintao sa Pangulo ng Biyetnam at PM ng Hapon. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa relasyong Sino-Biyetnames at relasyong Sino-Hapones at mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |