|
||||||||
|
||
Magkahiwalay na kinatagpo kamakalawa ni Chen Deming, Ministro ng Komersya ng Tsina na kalahok sa Pulong na Ministeriyal ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), sina Gita Wirjawan, Ministro ng Kalakalan ng Indonesia, at Kittiratt Na-Ranong, Pangalawang PM at Ministro ng Komersya ng Thailand. Ipinahayag ni Chen na sa ilalim ng balangkas ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), nagiging mas malawak at mahigpit ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN, at ang konstruksyon ng CAFTA ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang panig at nakikinabang dito ang iba't ibang bansa.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Gita Wirjawan, sinabi ni Chen na ang CAFTA ay nakapagbigay ng bagong plataporma para sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Ipinahayag naman ni Gita na nakakapagbigay ang CAFTA ng pakinabang sa Indonesia at winiwelkam aniya ng kanyang bansa ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Indonesia.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Kittiratt Na-Ranong, ipinahayag ni Chen na hinihikayat ng Tsina ang mga bahay-kalakal sa pamumuhunan sa mga bansang ASEAN at pagsasagawa ng pakikipagkooperasyon sa mga bahay-kalakal ng Thailand at iba pang bansang ASEAN. Nagpahayag naman si Kittiratt ng pasasalamat sa ibinigay na tulong ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa Thailand sa pakikibaka laban sa baha.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |