|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon sa Hawaii ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos na iginagalang ng panig Amerikano ang soberanya ng Tsina at winiwelkam ang pagtatamo ng progreso ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits at kinakatigan ang patuloy na katatagan ng relasyon ng magkabilang pampang. Patuloy anyang igigiit ng Estados Unidos ang patakarang isang Tsina at hindi kakatigan ang "pagsasarili ng Taiwan."
Winika ito ni Obama sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Hu Jintao ng Tsina na kalahok sa di-pormal na Pulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Hawaii. Sinabi ni Obama na napakahalaga ng pagpapalakas ng Estados Unidos at Tsina ng kooperasyon para sa dalawang bansa, rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigdig, at iginagalang ng panig Amerikano ang makatwirang kapakanan ng panig Tsino sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Idinagdag pa niya na pinahahalagahan ng panig Amerikano ang ginagawang pagsisikap ng panig Tsino sa pagpapasulong ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Nakahanda ang panig Amerikano na panatilihin ang mahigpit na pagkokoordinahan nila ng panig Tsino at magsikap kasama ng iba't ibang bansa para mapasulong ang malakas, sustenable at balanseng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |