Idinaos kahapon sa Hawaii ang ika-19 na di-pormal na pulong ng mga lider ng APEC o Asia-Pacific Economic Cooperation. Sa kanyang talumpati sa pulong, nanawagan si Pangulong Hu Jintao ng Tsina sa mga kasapi ng APEC na pasulungin ang liberalisasyon at streamlining ng kalakalan at pamumuhunan, palalimin ang kooperasyon sa green growth, reporma sa estrukturang pangkabuhayan at iba pang aspekto.
Sinabi ni Hu na ang talakayan at kooperasyon sa kalakalan at pamumuhunan sa "susunod na henerasyon" ay makakabuti sa pagbibigay-patnubay sa proseso ng pandaigdigang kooperasyong pangkakalakan at panpamumuhunan. Dapat palakasin ng mga kasapi ang konstruksyon ng network ng imprastruktura sa loob ng rehiyon, mapawi ang barrier sa sirkulasyon ng paninda at serbisyo, pababain ang gastusin ng mga ito. Samantala, dapat isagawa ang aktuwal na hakbangin para mapahupa ang kahirapan sa financing ng small medium enterprises at enkorahehin ang mga ito na lumahok sa pandaigdigang industrial chains.
Bukod dito, dapat patingkarin ang papel ng mga pamahalaan at pasiglahin ang inobasyon. Batay sa kahilingan ng Bogor Goals, dapat ganap na pasulungin ang liberalisasyon at pagpapasimple ng kalakalan at pamumuhunan sa rehiyon, palalimin ang integrasyong panrehiyon, palakasin ang kooperasyong ekonomikal at teknikal, tupdin ang komong pag-unlad ng mga kasapi.