|
||||||||
|
||
Sa panahon ng kanyang pagdalo sa Summit ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC sa Hawaii ng Estados Unidos, kinatagpo kamakalawa sa Honolulu ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos si Pangulong Hu Jintao ng Tsina. Matapat at malalimang nagpalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa bilateral na relasyon at mga isyung panrehiyo't pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan. Ipinahayag ng kapuwa panig na magkasamang magsisikap para walang humpay na mapasulong ang kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Sinabi ng Pangulong Tsino na,
"Buong lugod kong dinaluhan ang APEC Summit sa magandang Hawaii at kinatagpo ni Pangulong Obama. 9 na bese na nagtagpo kami ni Ginoong Obama sapul nang manungkulan siya bilang Pangulong Amerikano. Buong pananabik na inaasahan kong sa pamamagitan ng kasalukuyang pagtatagpo, malawakang makikipagpalitan ng kuru-kuro kay Pangulong Obama tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at mga mahahalagang isyung panrehiyo't pandaigdig. Sa kasalukuyan, lumilitaw ang masalimuot at malalimang pagbabago sa kalagayang pandaigdig, at nananatiling di-tiyak at di-matatag ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, kaya mahalagang mahalaga ang pagpapalakas ng Tsina't Estados Unidos ng pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa ilalim ng ganitong kalagayan. Umaasa ang panig Tsino na mapapanatili at mapapalakas ang pakikipagdiyalogo at pakikipagtulungan sa panig Amerikano, igagalang ang pagkabahala ng isa't isa, maayos na hahawakan ang mga sensitibong isyu at mapapasulong ang matatag at sustenableng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa."
Sa pagtatagpo nang araw ring iyon, binigyang-diin naman ni Pangulong Obama ang mahalagang katuturan ng pagpapakalas ng kooperasyong Sino-Amerikano.
"Ito ang isang napakalawak na pag-uusap namin ni Pangulong Hu pagkaraang matagumpay na dumalaw siya sa Washington. Bilang dalawang pinakamalaking bansa at economy sa daigdig, ang kooperasyong Sino-Amerikano ay hindi lamang makakabuti sa kaligtasan at kasaganaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi rin sa buong mundo."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |