Pagkaraang dumalo sa ika-19 na Summit ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC), umuwi ngayong araw si Pangulong Hu Jintao ng Tsina.
Idinaos ang nasabing summit mula noong ika-13 ng buwang ito sa Hawaii at isinapubliko ang dokumentong may pamagat na "Honolulu Declaration--Toward a Seamless Regional Economy" at mga iba pang annex. Sa katatapos na summit, nagpahayag si Pangulong Hu ng talumpati na may temang "pagbabago ng paraan ng pag-unlad para maisakatuparan ang paglaki ng kabuhayan". Sa panahon ng summit, kinatagpo niya ang mga lider ng Estados Unidos, Hapon, Byetnam, Kanada at iba pang bansa.
salin:wle