Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bunga ng APEC Summit, kapuri-puri ng panig Tsino

(GMT+08:00) 2011-11-15 16:39:03       CRI

Idinaos kahapon sa Hawaii ang ika-19 na di-pormal na pulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Ipinahayag nang araw ring iyon ni Ma Zhaoxu, tagapagsalita ng delegasyong Tsino, na salamat sa magkakasamang pagsisikap at pantay na pagsasanggunian ng iba't ibang kasapi, natamo ng pulong ang pragmatiko at balanseng bunga na nagpapakita ng prinsipyo ng APEC.

Ipinahayag ni Ma na sa palagay ng panig Tsino, ang natamong bunga ng pulong ay nagpapakita ng 4 na aspektong kinabibilangan ng pagpapalalim ng integrasyon ng kabuhayang panrehiyon at pagpapalawak ng kalakalan, pagpapasulong ng green growth, seguridad sa enerhiya at pagbalangkas ng kooperasyon. Maraming komong palagay ang narating sa pulong sa aspekto ng patakaran ng inobasyon at pagpapaunlad ng mga katamtamang-laki at maliliit na bahay-kalakal, at nagkasundo ang mga kalahok sa pagtutol sa proteksyonismong pangkalakalan. Napagtibay din sa pulong ang "Pahayag ng mga Lider ng APEC Hinggil sa Produktong Pangkapaligiran at Kalakalang Panserbisyo at Pamumuhunan."

Idinagdag pa niya na sa mula't mula pa'y pinahahalagahan na at aktibong nilalahukan ng panig Tsino ang kooperasyon ng APEC sa iba't ibang larangan. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng iba't ibang kasapi para patuloy na mapasulong ang proseso ng pagkakalaya at pagkakaginhawa ng kalakalan at pamumuhunan sa rehiyong Asya-Pasipiko at makapagbigay ng ambag para sa pagsasakatuparan ng berde at sustenableng pag-unlad ng rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigdig.

Salin: Li Feng

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>