Sa Bali Island, Indonesia. Idaraos dito bukas ang serye ng mga pulong ng mga lider ng Silangang Asya. Nang kapanayamin kahapon ng mamamahayag, tinaya ni Xu Ningning, Pirmihang Pangkalahatang Kalihim ng panig Tsino sa Konsehong Komersiyal ng Tsina't ASEAN, na muling magiging pinakamataas sa kasaysayan ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina't ASEAN sa taong 2011.
Aniya, noong unang walong buwan ng taong ito, halos 90 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng bilateral na pamumuhunan ng kapuwa panig, kabilang dito, umabot na sa 22.3 bilyong dolyares ang kabuuang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa ASEAN. Datapuwa't nahuli ang mga bahay-kalakal na Tsino sa pamumuhunan sa ASEAN, pagpasok naman ng taong ito, ang paglaki nito ay naging mas mabilis pa kaysa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng ASEAN sa Tsina, at ang ASEAN ay naging pinakamalaking pamilihan ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal na Tsino sa ibayong dagat.
Salin: Vera