Ayon sa bagong lagdang kasunduan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), nangako ang dalawang panig na ibayo pang magbubukas sa isa't isa ang passenger highway transport, professional training, entertainment at sports industries.
Sa isang pulong kamakailan sa Bali, Indonesiya, lumagda ang Ministro ng Komersyo ng Tsina na si Chen Deming at ang mga kasaping ASEAN sa Protokol sa Ikalawang Batch ng mga Ispesipikong Pangako sa China-ASEAN Free Trade Area(CAFTA) na magkakabisa sa unang araw ng taong 2012.
Salin: Jade