Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, buong tatag na tumatahak sa landas ng sustenableng pag-unlad

(GMT+08:00) 2011-11-23 17:33:28       CRI

Mula katapusan ng buwang ito hanggang unang dako ng susunod na buwan, idaraos sa Durban, Timog Aprika, ang pulong ng United Nations o UN hinggil sa pagbabago ng klima. Pormal na isinapubliko kahapon ang white paper ng patakaran at aksyon ng Tsina sa pagharap sa pagbabago ng klima sa taong 2011. Kaugnay nito, komprehensibong isinalaysay ni Xie Zhenhua, Pangalawang Ministro ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina, ang natamong bunga at mga isasagawang hakbangin ng Tsian sa pagharap sa isyu ng pagbabago ng klima, at inilahad ang pundamental na paninindigan ng panig Tsino sa pakikisangkot sa talastasang pandaigdig sa isyung ito. Anya, buong tatag na tatahak ang Tsina sa landas ng sustenableng pag-unlad, at gagawa ng mas malaking ambag para sa pagharap sa pagbabago ng klima ng mundo.

Isinalaysay ni Ginoong Xie na,

"Sa kondisyong walang alinmang pondo at teknolohiya, isinagawa na ng Tsina ang aksyon ng pagbabawas ng emisyon. Sa panahon ng ika-11 panlimahang taong plano (taong 2006-2010), bumaba nang humigit-kumulang 20% ang energy consumption per GDP unit ng Tsina, at nagbawas na kami ng 1.5 bilyong toneladang pagbuga ng carbon dioxide. Sa panahon ng ika-12 panlimahang taong plano naman, iniharap naming magbawas ng humigit-kumulang 1.5 hanggang 1.6 bilyong toneladang pagbuga ng carbon dioxide. Ibig sabihin, kasabay ng paglago ng kabuhayan, aktibong isinasagawa ng Tsina ang kinauukulang hakbangin sa pagharap sa pagbabago ng klima."

Kaugnay ng gaganaping pulong ng UN sa pagbabago ng klima sa Durban, dagdag pa ni Xie Zhenhua na,

"Naggigiit kami sa paninindigan ng mga umuunlad na bansa. Ang isyu sa ika-2 yugto ng pangako ng Kyoto Protocol ay nagiging napakasusing isyu ng multilateral na mekanismong pandaigdig sa pagharap sa pagbabago ng klima, dapat iadhere ang isyung ito. Ang Kyoto Protocol ay isang mahalagang multilateral na kasunduang may legal bond na nagpapakita ng komong responsibilidad na may pagkakaiba, ito rin ang kabatayan ng pagtitiwalaang pulitikal, kaya dapat ito igiit."

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>