|
||||||||
|
||
Sa Moscow, Russia-Nagpalabas dito kahapon ang mga bansang BRICS, na kinabibilangan ng Tsina, Rusya, India, Brazil, at Timog Aprika, ng magkasanib na komunike na nananawagan sa iba't ibang panig na igalang ang pagsasarili ng soberanya at kabuuan ng teritoryo ng mga bansa sa rehiyong Gitnang Silangan, isagawa ang malawak na diyalogo, at lutasin ang krisis sa mapayapang paraan.
Anang komunike, tumututol ang BRICS sa pakiki-alam ng anumang dayuhang puwersa sa suliranin ng mga bansa sa Gitnang Silangan at nananangan itong gaganap ng pangunahing papel ang UN Security Council sa naturang usapin. Bukod dito, sinabi rin sa komunike na magbibigay ang BRICS ng positibong ambag sa katatagan, kapayapaan at kaunlaran ng Gitnang Silangan.
Idinaos kahapon sa Moscow ang pulong ng mga Pangalawang Ministrong Panlabas ng mga bansang BRICS hinggil sa kalagayan ng Gitnang Silangan at sa ngalan ng Pamahalaang Tsino, dumalo sa pulong na ito si Zhai Jun, Pangalawang Ministrong Panlabas.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |