"Lumaki ng mahigit sa 9% ang Gross Domestic Product (GDP) ng Tsina sa taong ito." Ito ang nilalaman ng blue paper na inilabas kahapon ng Chinese Academy of Social Sciences (CASS), na may pamagat na "Pag-analisa at Pagtaya sa Kalagayan ng Kabuhayan ng Tsina sa 2012."
Ayon pa sa naturang blue paper, ang paglaki ng kabuhayan ng Tsina ay unti-unting lumilipat tungo sa sariling paglaki, mula sa pagpapasulong ng patakaran, at ito ay nagpapahupa sa implasyon sa loob ng bansa.
Kung hindi lalala ang kapaligirang pulitikal at pang-ekonomiya ng daigdig, at hindi rin magkakaroon ng mga kalamidad at iba pang hindi inaasahang problema, mananatiling magpapatuloy ang maayos na paglaki ng kabuhayan ng Tsina, anang dokumento.
Tinataya namang lalaki ng 8.9% ang GDP ng bansa sa susunod na taon.
salin:wle