Sa seremonya ng pagbubukas ng ika-8 Komperensyang Ministiryal ng World Trade Organization(WTO) kahapon, nanawagan si Pascal Lamy, General Director ng WTO, na sa harap ng masalimuot na kalagayang pangkabuhayan at pinansyal ng daigdig, dapat igiit ng lahat ng mga kasaping bansa ng WTO ang prinsipyo ng pagbubukas sa labas, pagkakapantay-pantay, katapatan, at pagtatalima ng batas, para mapangalagaan ang katatagan ng multilateral na kalakalang pandaigdig.
Binigyang diin niya na dapat ibayo pang magbigay-pansin ang komunidad ng daigdig sa interes ng mga umuunlad na bansa, lalo na ng mga bansang mahirap sa mekanismo ng kalakalang multilateral.