Sa isang simposyum na idinaos kamakailan sa Haikou, Tsina, ipinahayag ni Liu Zhenmin, asistenteng ministrong panlabas ng Tsina, na batay sa Guidelines on the Implementation of the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea na narating noong Hulyo ng taong ito, aktibong pasusulungin ng kanyang bansa ang pakikipagtulungan sa mga bansang ASEAN sa isyu ng dagat para magkakasamang mapanatili ang kapayapaan, katatagan at kasaganaan sa South China Sea, mapangalagaan ang kalayaan at kaligtasan ng nabigasyon sa karagatang ito at maigarantiya na ang South China Sea ay maging lugar na magbibigay ng ambag sa pag-unlad ng kabuhayan ng Silangang Asya.
Ang paksa ng simposyum na ito ay hinggil sa pagpapatupad ng naturang guidelines sa isyu ng South China Sea at lumahok dito ang mga opisyal at iskolar mula sa Tsina at mga bansang ASEAN.
Salin: Liu Kai