|
||||||||
|
||
Isang masayang pagtitipon ang idinaos noong Linggo sa Pasuguan ng Pilipinas para ipagdiwang ang Pasko.
Dumalo ang maraming mga Pilipino na kasalukuyang nagtratrabaho sa Beijing at Tianjin, kasama sa kasiyahan ang kanilang pamilya at mga kaibigan.
Pinangunahan ni Alex Chua, Charge d'affairs ang salu-salo na ginaganap minsan lang sa isang taon. Bagamat malayo sa pamilya, naiibsan ng kaunti ang lungkot ng mga OFWs dala ng ganitong pagdiriwang.
Ibinahagi din ni Ginoong Chua ang kanyang palagay sa naging takbo ng relasyon ng Tsina at Pilipinas nitong 2011.
Bukod sa salu-salo, nagpakitang gilas ang ilan sa mga entertainers para kumpletuhin ang isangPinoy na pinoy na Krismas party sa Beijing.
Reporter: Machelle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |