Nag-usap dito sa Beijing kahapon si Liang Guanglie, Ministrong Pandepensa ng Tsina at kanyang counterpart na si Ghulam Haider Hamid ng Malaysia. Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa bilateral na relasyon, situwasyong panrehiyon, at mga isyung kapuwa nila pinahahalagahan.
Sa pag-uusap, ipinahayag ni Liang na magsisikap ang Tsina, kasama ng Malaysia, para isulong ang kanilang pragmatikong kooperasyon ng estado at hukbong sandatahan, upang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Sinabi naman ni Hamid na nakahanda ang Malaysia na isulong ang pakikipagtulungan nito sa Tsina sa iba't ibang larangan.