|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Ipinalabas ngayong araw ang top ten news ng Timog Silangang Asya sa taong 2011 na magkasamang pinili ng China Radio International at mga pangunahing media ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang sampung mga balita na nakaayos batay sa dami ng boto ay ang mga sumusunod:
1. Ang pagreporma ng bansang Myanmar at ang mabilis na pag-unlad nito ay nakatamo ng 17 boto
2. Ang pinakagrabeng pagbaha sa Thailand sa loob ng 50 taon, 15 boto
3. Ang lantarang palitan ng opinyon ng mga lider ng Tsina, Vietnam at Pilipinas hinggil sa isyu ng South China Sea, 14 na boto
4. Ang pagkapanalo biilang punong ministro ni Yingluck Shinawatra ng Thailand, 14 na boto
5. Ang pinakamatinding pagtatalo sa hanggahan mula 2008 hanggang sa kasalukuyan ng mga bansang Thailand at Cambodia, 13 boto
6. Ang pagpapatuloy sa East Asean Summit sa pamumuno ng ASEAN, nakatamo ng 13 boto
7. Pormal na pagtatag sa China-ASEAN center, 12 boto
8. Patuloy na pag-unlad ng sektor ng pananalapi ng mga bansang ASEAN, pagtatag ng unang palitan ng stocks ng Laos at Cambodia, 11 boto
9. Halalan sa Singapore na nagpakita ng pagbabago sa pampulitikang kapaligiran, 11 boto
10. Pagpatay sa 13 tripulanteng Tsino sa Golden Triangle ng Mekong River, pagpapatupad sa pagpapatrolya sa katubigan ng mga may kinalamang bansa, 10 boto.
Salin: Joshua
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |