Mula ika-13 hanggang ika-15 ng buwang ito, idaraos sa Beijing ang ika-4 na pulong ng mga mataas na opisyal ng Tsina at 10 bansang ASEAN hinggil sa pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in South China Sea.
Kaugnay ng pulong na ito, sinabi ngayong araw ni Liu Weimin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tatalakayin sa pulong ang hinggil sa pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyon sa balangkas ng deklarasyong ito. Aniya pa, ang taong ito ay ika-10 anibersaryo ng pagkakalagda sa naturang deklarasyon at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansang ASEAN, para patuloy na mapalakas ang pragmatikong kooperasyon sa South China Sea, mapasulong ang pagpapatupad ng deklarasyong ito, maigarantiya ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito at makapaghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Salin: Liu Kai