"Sa ika-14 ng buwang ito, idaraos ng Tsina at Pilipinas ang ika-17 pagsasangguniang diplomatiko at magpapalitan ng kuru-kuro ang magkabilang panig tungkol sa tumpak na paglutas sa isyu ng South China Sea at magkasamang pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.", ito ang isiniwalat ngayong araw dito sa Beijing ni Liu Weimin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ipinalabas ang pahayag kamakailan ni Foreign Secretary Albert Del Rosario na nanawagang mapayapang lutasin ang mga alitang panteritoryo sa South China Sea sa pamamagitan ng United Nations Convention on the Law of the Sea. Kaugnay nito, ipinahayag ni Liu na ang tumpak na paglutas sa isyu ng South China Sea at pagpapanatili ng malusog at matatag na relasyong Sino-Filipino ay komong hangarin ng dalawang bansa. Idinagdag pa ni Liu na bukas at maayos ang mga tsanel ng pag-uusap.