
Kahapon, nalagpasan ng Philippine Stock Exchange index ang 4600 mark, na umabot sa 4645.86, at naging pinakamataas sa rekord sa kasaysayan ng stock index ng Pilipinas.
Sa araw ding iyon, umabot sa 8.5 bilyon pesos o 193 milyong dolyares ang halaga ng Philippines stock market turnover. Ayon sa pagtaya ni Bank of the Philippine Island Senior Vice President and fund manager Paul Joseph Garcia, may pag-asang lumagpas sa 5,000 mark ang stock index sa taong ito na maaari pang umabot hanggang 5500 mark. Aniya, kahit na nagkaroon na ng pinakamataas na rekord ang stock index ng Pilipinas, ngunit ang presyo ng maraming stocks ay hindi umabot sa pinakamataas na lebel at may espasyo pa din upang tumaas ang stock market.
Salin: Joshua