Lalapit na ang tradisyonal na Spring Festival ng Tsina, unti-unting dumarami ang mga turistang Tsino sa iba't ibang lugar na panturista sa Timog Silangang Asya. Nitong ilang taong nakalipas, tuwing Spring Festival ang nakakasaksi ng travel peak ng mga turistang Tsino sa Timog Silangan Asya at lumalaki pa ang bilang nito. Sa panahong ito noong isang taon, ang bilang ng mga turistang Tsino sa Phuket Island lamang ay lumampas sa 50 libo. Ang konsumong panturista mula sa Tsina ay naging isa sa mga pangunahing sandigan ng industrya ng turimo ng mga bansang ASEAN.
Ipinalalagay ng halos lahat ng mga tauhan sa sirkulong pantuista ng mga bansa ng Timog Silangang Asya na malaki pa ang potensiyal na dulot ng pamilihan ng Tsina at kailangan ibayo pang galugarin ito. Kahit malapit ang Tsina sa mga bansang ASEAN, hindi pa rin ginhawa ang biyahe sa Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng transportasyong panlupa. At higit pa, dapat may bisa ang mga bisitang Tsino sa iba't ibang bansang ASEAN, bagay na humahadlang sa mga manlalakbay na Tsinong gustong bumusita ng ilang bansa sa isang biyahe.
Gayon pa man, kasunod ng pagsasakatuparan ng plano ukol sa ugnayan at palitan ng Tsina at mga bansang ASEAN, sa susunod na ilang taon, malulutas ang naturang mga problema. Sa kasalukuyan, ang mga pambansang lansangan at daambakal na nag-uugnay ng Tsina at mga bansa sa Timog Silangang Asya ay nasa konstruksyon. Sinimulang isagawa ngayon ng ilang bansang ASEAN ang "visa upon arrival" sa mga turistang Tsino at paulit-ulit na tinatalakay din ang posibilidad ng pagsasagawa ng "integrasyon ng bisa" noong isang taon. Ang pagbuti ng nasabing kondisyon ay dapat magkaloob ng mas maraming pagkakataon sa mga Tsino para malaman ang kultura at natural na tanawin sa Timog Silangang Asya.
salin:wle