|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Feng Kangming, puno ng International Dean ng Hanoi National University sa panayam ng isang tagapagbalita mula sa Tokyo Shimbun na nangangailangan ng panahon ang pagresolba sa isyu ng South China Sea. Aniya, hindi pagkakaisahan ng ASEAN at Estados Unidos ang Tsina.
Nang napag-usapan naman ang hinggil sa relasyon ng Tsina at ASEAN sa taong 2012, naniniwala si Feng na pahigpit nang pahigpit ang relasyon ng ekonomiya ng dalawang panig matapos mapagkasunduan ang malayang kalakalan sa pagitan ng Tsina at ASEAN noong unang araw ng Enero taong 2010. Patuloy na pahahalagahan ng Tsina ang katayuan ng Timog-Silangang Asya.
Hinggil naman sa pagtatalo sa South China Sea, naniniwala si Feng na hindi papalitan ng Tsina ang mga karaniwang patakaran. Aniya, para sa Tsina, ang isyung ito ay isang isyu ng soberanya at ang paningin dito ng Tsina ay tulad din ng paningin nito sa isyu ng Taiwan at iba pang mahahalagang problema. Dagdag pa niya, pati ang panig ASEAN ay ipinaghiwalay ang mga bansang interesado sa South China Sea tulad ng Vietnam at Pilipinas at mga bansang hindi interesado dito. At dahil dito, nahihirapan ang ASEAN na magbigay ng pinag-isang pahayag.
Salin: Joshua
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |