Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdukot sa dalawang banyaga sa tawi-tawi, kinondena ng pamahalaan

(GMT+08:00) 2012-02-02 17:29:40       CRI

NANGAKO ang pamahalaan na gagawin ang lahat upang mabawi ang dalawang banyagang dinukot ng mga 'di kilalang armadong kalalakihan samantalang sakay ng bangka pabalik sa Bongao, Tawi-Tawi noong Miyerkoles.

Magugunitang dinukot sina Lorenzo Vinciguerra, 47 na taong gulang, isang Swiss national at Ewold Horn, 52 taong gulang na tubong Netherlands matapos ang kanilang "bird-watching" sa Sitio Look-Look, Barangay Parangan sa bayan ng Panglima Sugala sa pinaka-timog na lalawigan ng Pilipinas.

Ani Deputy Presidential Spokesman Abigail Valte na kinokondena ng Malacanang ang pagdukot sa mga biktima at tiniyak sa madla na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang malutas ang situwasyon at makabalik na ng matiwasay ang mga biktima sa kanilang mga bansa. Ang kanilang Filipinong tourist guide ay nakatakas mula sa pagdukot.

Nagsasagawa na ng search and rescue operations ang pinagsanib na tauhan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Philippine National Police upang mailigtas ang mga banyagang dumalaw sa Tawi-tawi.

Isang crisis management committee ay binuo kaagad ni Gov. Sadikul Sahali na mangangasiwa sa paglutas sa kidnapping. Ang gobernador na mismo ang mangangasiwa sa mga operasyon ng pulisya at militar. Naibalita na ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang pangyayari sa mga embahada ng Netherlands at Switzerland ang insidente.

Pinayuhan ni Atty. Valte ang mga turistang maglalakbay sa bansa na alamin muna sa Kagawaran ng Ugyanang Panglabas o sa kanilang mga embahada kung ligtas ba ang kanilang mga dadalawing pook.

Ang mga pagdukot sa mga banyaga ang nangungunang ikinababahala ng mga autoridad. Karaniwa'y kagagawan ito ng mga kasapi ng Abu Sayyaf Group na itinatag noong dekada nobenta. Noong 2000, dinukot ng Abu Sayyaf Group ang 21 mga turista sa Sipadan, Malaysia at dinala sa Jolo. Napalaya lamang ang mga turista matapos magbayad ng milyun-milyong dolyar na ransom sa grupo.

Hindi nagtagal, dinukot naman nila ang tatlong Americano kasama ang mga Filipinong turista mula sa Puerto Princesa, Palawan at dinala sa Kanlurang Mindanao. Sa rescue operations, isa sa mga Amerikano ang pinugutan ng ulo samantalang isa naman ang nasawi.

PILIPINAS AT WORLD BANK, LUMAGDA SA ISANG KASUNDUAN

HIGIT na sisigla ang public investments sa local public infrastructure and services sa pamamagitan isang tripartite loan agreement ng Kagawaran ng Pananalapi, Development Bank of the Philippines at World Bank. Ang bagong pautang ay nagkakahalaga ng $ 50 milyon upang tustusan ang Regional Infrastructure for Growth Project.

Kabilang sa napagkasunduan ang post disaster initiatives sa pagkakaroon ng access sa pananalapi.

Sinabi ni DBP President at Chief Executive Officer Francisco F. Del Rosario, Jr., ang RIGP ay naglalayong maisaayos ang mga roll-on-roll-off network sa ilalim ng CRUISE (Connecting Rural Urban Intermodal Systems Efficiently) Program. Ang mga proyektong prayoridad ay ang mga kinilala ng mga local government units.

Ipahihiram ng Development Bank of the Philippines ang US $ 50 milyon sa mga local government units, public utilities o mga may kakayahang local government-owned and controlled corporations at mga pribadong kumpanya na abala sa pagtatayo ng local infrastructure at iba pang proyekto ayon sa public-private partnerships.

Sinabi naman ni Kalihim Cesar Purisima na ito ang napapanahong tugon sa mga pangangailangan ng mga local government unit sa mga lugar na apektado ng mga nakalipas na kalamidad. Nagpasalamat siya sa World Bank sa paglalaan ng salapi para sa Pilipinas.

Kabilang sa mga proyektong matutustusan mula sa pautang ang mga sea wall, flood protection, slope protection, environmental infrastructure tulad ng water supply, solid waste facility at drainage systems, patubig, small water impounding reservoirs, supply chain infrastructure, mga paaralan, pagamutan at health center. Kasama rin sa masasaklaw ng pautang ang provincial at local roads, mga daungan, eco-parks, convention centers, heritage sites at resorts.

Sa panig ng World Bank, sinabi ni Ginoong Motoo Konishi, Country Director para sa Pilipinas na patuloy na aagapay ang bangko sa mga pangangailangan ng Pilipinas sa abot ng makakaya nito.

BAGONG KALAKARAN SA PASAHOD NG MGA TSUPER AT KONDUKTOR, IPATUTUPAD NA

MAWAWALA na ang "boundary system" na siyang basehan ng kita ng mga tsuper at konduktor ng bus sa pamamagitan ng kautusan ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz. Layunin ng kautusang madagdagan ang kita ng mga kawani ng bus.

Ayon sa Department Order No. 118-12, inaalis na ang commission basis bilang pagpapasahod sa mga kawani ng iba't ibang kumpanya ng bus sa bansa. Ito ang ibinalita ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Idinagdag ni Atty. Valte na ang mga kawani ng bus ay tatanggap ng sahod sa ilalim ng "part fixed at part performance-based wage system." Ang isang bahagi ng sahod ay tutugon sa minimum wage at iba pang alituntunin ng pamahalaan samantalang ang incentive system ay nakasalalay sa safety performance, business performance at iba pang bahagdan.

Magkakabisa ito sa Metro Manila sa darating na buwan ng Hulyo, 2012.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>