Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bayanihan,mahalaga sa mga Pilipino at mga Tsino

(GMT+08:00) 2012-02-09 19:03:30       CRI

NAPATUNAYAN na ang kahalagahan ng bayanihan sa mga dumaang trahedya sa bansa. Likas umano sa mga Filipino ang bayanihan na nakita sa mga volunteer na tumulong sa mga biktima ng bagyong "Sendong" at paglindol sa Gitnang Kabisayaan noong nakalipas na Lunes.

Sa kanyang talumpati sa ika-pitong Biennial Convention ng Chinese-Filipino Business Club sa Manila Hotel kaninang alas onse ng umaga, sinabi ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na kahit pa nawalan ng loob dahilan sa mga katiwalian ng nakalipas na administasyon, nagpatuloy pa rin ang kanilang pagtulong sa mga nangangailangan.

Malaki na umano ang nagawang Chinese-Filipino Business Club para sa pamahalaan at bayan. Mahalaga rin umano ang papel ng samahan sa larangan ng ekonomiya dahilan sa pagkakaroon ng mgabagong hanapbuhay, pagtataguyod ng trade missions at tax consciousness campaigns.

Nagpasalamat din si Pangulong Aquino sa samahan dahilan sa kanilang mga kontribusyon tulad ng mga motorsiklong ipinagkaloob sa pambansang pulisya. Ipinaliwanag ni Pangulong Aquino na mahalaga ang tulong ng mga kasapi sa paglalagak ng capital sa pagsasakamturismo at infrastructure. Tiyak na umano ang budget para sa mga sektor na ito kaya't makakaasa ang mga mangangalakal ng ibayong suporta sa mga proyektong may koneksyon sa priority programs.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>